Fen House Housemates… Marami ng tribute about us, visit http://iamthebestph.wordpress.com and http://jhaded10.wordpress.com, kaya hindi ko na masyadong elaborate ang pagtira naming sa Unit B Fen House. I’ll just grab this opportunity to thank my beloved housemates: Guys this for you:
Jade- I met her sa waiting shed papuntang Baclaran. Ka-officemate ko sya but we never talked coz we have our own set of friends. Until one day, after those dedmahan times sa bus, nagkatabi kmi. We talked and became an instant friend. And nabigyan ng chance to be my housemate. Si Jade, exotic ang beauty, sexy and beautiful.. hehehe.. joke lang.. Super bait, cool sa lahat ng bagay. Bilib ako dito when it comes sa pag-solve ng problema. Hindi mo mahahalata na may problema to unless sabihin nya. At sya ang nakatagal sa akin, coz sumuko si Elphie, ang gulo ko daw matulog. Dati kse kami ang magkatabi ni Elphie, but si Jade ok lang sa kanya kahit magpaikot-ikot pa ako sa kama… hehehe.. Matiyaga din tong tikman ang mga pagkain na niluluto ko nung nag-start pa lang akong matutong magluto. Partners in crime kami nito. Magulo pag magkasama kami. Minsan nga lang parang loka-loka pero napapagtiyagaan pa naman. Hehehe.. Pangarap kong lumigaya at matupad nya ang lahat ng pangarap nya sa buhay.
Tin2x- sweet, pretty, and caring person. Sometimes nga lang hindi naiiwasan na pag may problema sya sa lovelife, kami din problema namin yon coz we love her. I want the best for this girl coz I know she deserves something better. Ayoko syang nakikitang malungkot at umiiyak. I met this girl, teka paano nga ba? Ahm, kse friendly to eh.. Pag nakatabi mo to, instant friend na kayo at madami na kayong stories na napagkwentuhan.. I remember, she’s the one na nagturo sa akin maglinis ng isda.. I really treasured that ang hirap kaya nun.. hehehe.. And I was so happy kse magkasama kami pumunta sa Doulos for Christ.. Thankful ako coz we have the same interest to read the Bible.. keep it up girl..
Elphie- lagi kaming magka-batch sa work. Masarap kausap, no dull moments. Akala mo lang tahimik pero super daldal din.. At madaling mag-adopt sa mga kasama nya. Medyo mataray minsan pero most of the time mabait. Laging in-love to.. And idol ko to kse maasikaso.. Cool lang pag may problema.. Game din sa lahat ng bagay. Mas matagal kaming magkakilala nito kesa kina Jade at Tin2x. I want her to be happy too. At missed ko na yung afritada nito.. masarap…
Vacie- this girl super tahimik parang may sariling mundo. Akala ko nga hindi na talaga magsasalita to. But one time, grabe nagsalita sya. Ang daling patawanin.. I love it when she laughs.. Simple lang yung joke pero super enjoy sya.. Book lover din to.. At paano ko makakalimutan yung mahiwaga nyang mapa.. hahaha.. Kahit sandali ko lang to nakasama, I really enjoyed her company…

Jeilo – I first met him sa ACS. Nilapitan ko sya and asked him, “ikaw si Jeilo”? Textmate kse kami nito first before kami maging housemate. Favorite ko tong asarin.. Hahaba lang naman ang nguso nya pero never to magagalit sa akin.. hehehe.. At favorite ko din bunutin yung buhok nito sa legs.. Super balbon kse eh.. Super galante nito at mahilig sa McDo, pinsan nya yata si Ronald McDonald.. Kaya lang ang gulo sa gamit.. Madalas nya maiwan ang susi nya sa bahay kse nga nakakalat mga gamit nya… But kahit ganito si Jeilo super bait nito… At wish ko pumayat na sya.. hahaha
Bong – nakilala ko to kay Jade.. But our first convo is nung tour ko sya sa Fen House, feeling landlady ako eh.. Super tahimik, mysterious guy but full of dreams.. Sabi nila masalimuot daw life nito.. That’s why I was too nice to him.. joke lang.. Collector din ng magazine like me, religious at book lover.. Minsan nga lang super drama sa buhay but I appreciate it coz nagpapakatotoo lang sya. Marunong siyang mag-appreciate ng mga bagay. I was flattered when he text me, congratulating me kse super linis ng house.. And pag hindi nya masabi in person dadaanin nya sa text yung pagda-drama nya.. hehehe.. I’m glad tumagal sya sa boarding house coz may history to na bigla na lang lumalayas.. It means he’s enjoying his stay sa Fen house.. Thanks sa mga info about sa blog, net and latest issue in the world…
Arem – totoong tao. What you see is what you get.. yan cia.. Sinasabi kung ano ang ayaw at gusto nya.. Super sweet at caring nito.. At super vain, antagal sa salamin at antagal sa bathroom. Marami siyang anik-anik sa katawan.. Daig pa nga kaming girls eh.. And mapagmahal sa girlfriend, ewan lang at ayaw pang mag-asawa.. Kahit nagkatampuhan kami nito minsan, I’m thankful na naging ok ulit kami at parang walang past.. Matiyaga to sa paglalakad, hobby nya maglaba at madami din tong pinagdaanan sa buhay… wish ko matupad nya lahat ng plans and dreams nya..
Harvey – super bait.. idol ko to when it comes sa work, model employee.. At super kulit din, akala mo tahimik, me topak din pala.. Kahit lagi kang tulog at bihira kitang makausap, magaling kang makisama. I appreciate nung nanghingi ka ng advice sa akin about marrying issue.. Basta tandaan mo lang lahat ng sinabi ko sayo.. I wish you and Elphie all the happiness in the world..
Jhun – my bestfriend guy.. Marami kaming pinagkakasunduan nito.. I remember yung mga food trip natin.. Galante din to.. Super like naming kumanta kaya kami ang bida sa videoke.. hehehe.. Hirap din turuan nitong mag-guitar, walang tiyaga.. At super pabago-bago ang isip pero ang galling kumuha ng work nito.. At super kalog at super kulit nito.. Parang baliw.. Pero akala mo lang ganun talaga siya pero may itinatagong ka-dramahan to sa buhay.. Sana mahanap mo na yung dream girl mo…
Tyrone – makulit, shy, dreamer and cute sabi ni ode.. Favorite ko din asarin to eh at favorite din nya akong i-good time lagi.. Hindi ko malilimutan na nagpanggap kang si Steve Brown at Jeff Stern. Si Steve, nakipag-textmate sa akin and sabi may crush daw sa akin.. Si Jeff, taga US at nakipag-chat sa akin offering me na dadalhin daw nya ako sa US.. Buti na lang hindi ako nagpaloko.. hmp.. Siya pala lahat yon.. And I will never forget yung time na wala tayong magawa at I take a video of you while you’re singing Quit playing games with my heart at sumasayaw ka pa nun… Ako dw kunwari yung VJ.. hahaha.. nakakatuwa din nung nasa Fen House ka pa.. Sarap mo kasing asarin eh.. At malilimutan ko ba yung hindi mo alam yung “autistic”.. Tinawag ka nun at ngumiti ka pa kse akala mo good word yon… hahaha talaga…
Guys, peace tayong lahat ha.. hehehe.. Anyway, I will surely missed you guys.. You will always be my baby.. like yung kanta ni David Cook.. hehehe..









2 comments
Comments feed for this article
July 7, 2008 at 8:23 am
iamthebestph
hahaha!!!
this really made me laugh!!!
i agree. everybody rocks!!!
July 8, 2008 at 11:57 am
cristina
yah i know ur right we really rocks… kakamiss na kayo guys.. mwah to all..